NAGI-GUILTY si Heart Evangelista kapag napi-feel niya hindi pa sapat ang ginagawa niyang pagtulong sa mga taong nangangailangan, lalo na ngayong may health crisis sa bansa.
Marami nang natulungan at naabutan ng ayuda ang Kapuso actress simula nang magkaroon ng lockdown sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic, pero feeling niya ay kulang na kulang pa rin ito.
Ginagawa ng aktres ang lahat para mas marami pa siyang matulungan, lalo na ang mga pamilyang nawalan ng pagkakakitaan dahil sa pandemya, pero limitado rin ang kanyang resources.
“Everybody can help, big or small, it will make such a huge difference. I just wish that I had more time to save for this budget.
“I feel that I could’ve done things a little bit differently. It gives me guilt that I could do more,” emosyonal na pahayag ni Heart sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
Pagpapatuloy pa ng misis ni Chiz Escudero, “Nakaranas na ako na dalawa kong (tinulungan) namatayan, o tatlo na namatayan, after the dialysis, or after the cancer treatment.
“You have to cremate. Cremation is eighty thousand pesos, so,” sey ni Heart na hindi na napigilan ang maiyak.
Patuloy pa niya, “This is what troubles me sometimes… that I wish I could do more..I can’t help everyone. Can’t do it all by yourself.”
Ayon pa sa aktres, gustuhin man niyang tulungan ang lahat ng lumalapit sa kanya sa pamamagitan ng social media ay hindi niya magawa, “People don’t understand na nagtatrabaho po ako. Hindi balon iyong aking pera, na… endless.”
Sariling pera niya ang kanyang inilalabas sa bawat relief mission na ginagawa niya. Hindi raw siya nanghihingi ng donasyon dahil bilang asawa ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero na isang politoko ayaw naman niyang malagyan ng malisya o kulay ang mga ginagawa niya.
“I don’t do fundraising. I don’t do that because I just feel it also gets complicated when you’re married to a politician.
“I don’t want it to have color. My husband doesn’t want it to have color. So, he says kung ano ang kaya kong ibigay,” paliwanag ni Heart.
Pahayag pa niya, “Mahirap po talaga siya (pagtulong). But sa awa ng Diyos, we have been helping a lot of people.
“I think it would be selfish if people won’t do that. And I think it would be selfish for me not to do that. I wish I could have saved more for this time that I could help more, instead of, you know, stuff.”