Barbershop, salon papayagan na sa GCQ

SINABI ni Trade Secretary Ramon Lopez na magbubukas lamang

ang mga barberya at beauty parlor kung susunod ang mga ito sa ilalatag na health protocols ng pamahalaan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Lopez na pinag-aaralan na nila ang pagbubukas ng nasabing mga establisimento sa GCQ areas.

Sa ilalim ng guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), hindi maaaring mag-operate ang mga barbershop at salon sa mga lugar na nakasailalim sa general community quarantine (GCQ).

β€œNag-suggest kami ng health protocol para i-implement nila. Once nag-implement sila baka mapaaga ang umpisa nila. Kahit naka-GCQ ay baka mapayagan sila, under current rules kasi after GCQ pa talaga papayagan ang salon at barber shops,” ani Lopez.

Aabot sa 400,000 na empleyado ang apektado sa patuloy na pagsasara ng mga salon at barbershop.

Sinabi ni Lopez na kung aaprubahan ng IATF-EID ang rekomendasyon ng DTI, magiging dahan-dahan pa rin ang pagbubukas ng nasabing industriya.

Kasama rin sa pinaaaprubahan na makapagbukas sa GCQ areas ang mga dine-in restaurants.

Kapag pumayag ang IATF-EID, bibigyan ng dalawang linggo ang mga barberya, salon at restaurant para makapaghanda bago magbukas.

Read more...