TULOY sa June 1 ang enrolment ng mga mag-aaral sa public school, ayon sa Malacanang.
“Tuloy po ‘yan dahil hindi naman po tayo pupuwede na walang preparasyon,” ani presidential spokesperson Harry Roque sa panayam sa Teleradyo, nang tanungin kung magkakaroon ng enrolment sa susunod na buwan.
Itinakda ng Department of Education (DepEd) ang isang-buwan na enrolment ng mga estudyante sa public school sa buong bansa mula June 1 hanggang 30.
Ang pagbubukas ng klase ay nakatakda naman sa August 24.
“Sa atin po, kailangan tuloy pa rin ang preparasyon pero gaya ng aking nasabi, ayan po, sumipa po ang numero ng Covid-19 (cases). Madali naman po ‘yang ‘wag ituloy. Naghahanda po tayo sa possibility ng both face-to-face at saka blended learning,” paliwanag ni Roque.
Kamakalawa ay sinabi ni Pangulong Duterte na papayag lamang siyang ituloy ang klase kung mayroon nang bakuna sa Covid-19.
Klinaro naman ni Roque na ang pinatutungkulan ng Pangulo ay ang
“face-to-face classes.” –Inquirer