Warning ni Carla sa pet owners: Observe social distancing, magsuot ng protective gear

ISA si Kapuso actress Carla Abellana sa mga artistang vocal pagdating sa tamang pag-aaruga sa ating mga alagang pets. 

Ayon sa “Love Of My Life” star, mahalaga raw na bigyan ng dobleng atensyon ang ating mga pets ngayong panahon ng tag-init lalo pa at hindi ito maganda sa kanilang kalusugan. 

Sa kanyang YouTube vlog ay ibinahagi ng girlfriend ni Tom Rodriguez ang naging proseso ng pagpapa-home service grooming para sa kanyang Yorkshire dog na si Bubbly. 

Pagpapaalala naman ni Carla sa mga pet owner, panatilihin pa rin ang social distancing at magsuot ng protective gear.

Aniya kahit pa sa tapat ng bahay lamang aayusan ang mga pet at sakay naman ng van ang crew ng grooming service kailangang dobleng ingat pa rin.

 Considered na essentials din ang veterinary services na allowed ngayong nasa ilalim na ng modified enhanced community quarantine ang Metro Manila.

 “Grooming is important, fellow pet owners! Let’s all be responsible for our pets, especially now that it’s summer,” mensahe ni Carla.

 Ikinatuwa naman ng supporters ng Kapuso actress ang patuloy na pagmamalasakit niya sa mga hayop sa kabila ng kinahaharap na COVID-19. 

Bilib din sila sa dalaga dahil parang tao rin talaga kung ituring niya ang kanyang pets.

“You have a big heart hindi lang sa mga fans pati sa mga hayop. Kung gaano ka kaganda sa labas ganoon din sa loob,” sabi ng isang netizen.

Tigil man sa taping ang pinagbibidahang serye na “Love Of My Life”, napapanood pa rin si Carla sa rerun ng My Husband’s Lover sa GMA Telebabad.

Read more...