MAY pangangailangan umano na magsagawa ng sunod-sunod na pagdinig ang Kamara de Representantes kaugnay ng prangkisa ng ABS-CBN.
“The sooner the better sapagkat nakatuon ang mata ng ating mga kababayan sa ginagawa natin sa pagtalakay ng prangkisa ng ABS-CBN,” ani Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr.
Bukas ay inaasahan na magsusumite na ang liderato ng ABS-CBN ng mga dokumento na gagamitin sa pagdinig.
“Dahilan sa mga conflicting issues na narinig ko mula sa ABS-CBN at kay Deputy Speaker (Rodante) Marcoleta kinakailangan magkaroon tayo ng exhaustive hearing at nang sa ganun talagang makita natin kung ano ang katotohanan,”
“Kaya minumungkahi ko sa ating mga chairpersons na mag-schedule tayo ng hearing at nabanggit naman ng ating majority leader na at the end of the session today bibigyan niya ng karapatan ang mga komite na magkaroon ng session (hearing) even during the time that we are in recess.”
Sa Lunes ng umaga itinakda ang susunod na pagdinig ng House committees on legislative franchises at on good government ang public accountability.