ISINARA ng China ang isang popular na social media account sa kanilang sariling version ng Facebook na WeChat dahil sa pagkalat ng fake news, lalo na tungkol sa United States na lalong nagpapalala sa tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Isa ang Zhidao Xuegong, na ang ibig sabihin ay Scholar Forum for Ultimate Truth, na may milyong followers ang ipinasara dahil sa mga fake news at conspiracy theories laban sa Estados .
Base sa huling post nito, bago pa maipasara, ginagawa umanong hamburget ng US ang mga namatay sa coronavirus disease.
Ayon sa nagsulat ng artikulo, umaabot na raw sa milyon ang mga namatay sa COVID-19 sa US at ginagawang hamburger at hotdog ang mga bangkay.
“Cannibalism has existed in the US before … and only a few dozen years ago, Americans ate blacks, Indians and Chinese.” sulat sa artikulo.
Umaabot sa 100,000 ang nagbasa nito at 753 dito ang nagbibigay pa ng pera para suportahan ang social media account na ito.
Naipasara ito noong Linggo.
Ayon sa datos, ang account na ito ay may 1.7 million page views sa 17 articles na pinublish lang nitong Abril.
Ang pagpapasara ng fake news account na ito ay paraan ng Beijing para bawasan ang fake news at conspiracy theories na lalong nagpapainit sa word war na nagaganap sa US at China.