NTC hiniling sa SC na huwag pagbigyan ang hinihinging TRO ng ABS-CBN

HINILING ng National Telecommunications Commission sa Korte Suprema na huwag pagbigyan ang hiling na temporary restraining order ng ABS-CBN laban sa cease and desist order nito.

Ayon sa Office of the Solicitor General, ang abugado ng NTC, wala ng kailangang pigilan pa dahil nangyari na ang layunin ng CDO.

“Generally speaking, the petitioner must assert its own legal rights and interests, and cannot rest its claim on the legal rights and interests of others. Otherwise, there will be violation of the prohibition against jus tertii standing,” saad ng OSG.

Hiniling ng ABS-CBN na SC na pigilan ang utos ng NTC na nagpapatigil sa kanilang operasyon noong Mayo 5.

Nasa kapangyarihan umano ng NTC ang inilabas nitong CDO dahil nag-expired na ang prangkisa ng ABS-CBN.

Read more...