Fans ni Kim bad trip sa paandar ng kongresista; ABS-CBN franchise hearing trending
HINDI nagustuhan ng netizens, lalo na ng fans ng aktres na si Kim Chiu ang paandar ni House Deputy Speaker Rep. Rodante Marcoleta sa naganap na hearing kanina para sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Ginamit kasi ng kongresista sa kanyang opening address ang viral statement ni Kim Chiu na nagkukumpara sa sitwasyon sa loob ng classroom sa pagpapatigil sa operasyon ng Kapamilya Network.
Ito rin ang dahilan kung bakit nag-trending ang kongresista ngayong araw na talagang nakatikim ng mga negatibong komento mula sa mga netizens.
Komento ng nakararami, parang hindi tamang gamitin ng kongresista ang nag-viral na pahayag ng Kapamilya actress na naging ugat ng matinding pamba-bash sa kanya. Sana’y naging sensitibo naman daw ang opisyal sa pinagdaanan ng dalaga.
“Dear Mr. Congressman Marcoleta. Using Kim Chiu’s controversial statement to deliver your point is distasteful humor and a form of shaming that is uncalled for. #IbalikAngABSCBN,” comment ni @plama_jobelle.
Tweet naman ni @exolcbpony, “Wow. Using Kim Chiu for their presentation in the House. That was supposed to be factual and relevant as an attestation? That was clearly chasing clout and attention from the same ppl treating it as a mere joke. What a troll. Disappointing. #IbalikAngABSCBN.”
“Sobrang distasteful ng pagpapalabas ng videos nina Kim Chiu at Vice Ganda. Ganyan ba ang isang government official?” komento ng isa pa.
Pinag-usapan sa Twitter ang unang hearing para sa franchise renewal ng ABS-CBN. In fact, nasa number one spot ng trending list ang “#IbalikAngABSCBN” habang pasok din sa top 10 ang “ABS-CBN” at “#LabanKapamilya.”
Narito naman ang ilang comments ng mga netizens sa naganap na hearing.
“ABS CBN has been my everyday companion since 1987… Please bring back my ally and family… #IbalikAngABSCBN,” tweet ni @nettedejesus2.
Para naman kay @DonnabelleFern4, “Let’s help the station who has been with us through all the circumstances! #IbalikAngABSCBN.”
“Giving the Filipino people the right to be entertained and informed in all parts of the country is a PUBLIC SERVICE. ABS-CBN is more than just a business. It is a MISSION. Ibalik natin ang misyong nakasanayan ng bawat Pilipino! #IbalikAngABSCBN #KapamilyaForever,” sey ni @pawilectura.
Samantala, nag-react din ang mga supporters ng Kapamilya network sa mga naging pahayag ni Marcoleta na inulit lang ang mga alegasyon laban sa istayson, partikular sa pagiging bias daw nito, pag-abuso sa prangkisa, hindi pagbabayad ng tamang buwis, at hindi pagtrato ng tama sa mga empleyado nito.
Sabi ni @irenebartssss, “I think it’s safe to say na Marcoleta just wasted today’s hearing. Instead of discussing how we can all move forward with the franchise & shine light on other issues, he just repeated the allegations already answered. #IbalikAngABSCBN.”
“Instead of repeating answered issues, playing irrelevant videos and spreading misinformation, Cong. Marcoleta should have at least presented new inputs and pieces of evidence on why the ABS-CBN franchise must not be renewed. But he did not. #IbalikAngABSCBN,” dagdag ni @dumidyeypee.
Sa opening statement naman ni ABS-CBN executive Carlo Katigbak, hindi naman niya sinabi na perfect ang ABS-CBN, pero inulit din niya na cleared naman ang kumpanya sa patung-patong na akusasyon ng mga paglabag daw nito.
“We agree. The law is the law. And under the law, we are INNOCENT unless proven guilty. Up to now, there is no court that has determined we have broken any laws,” sey nito.
“Sabi po ng BIR, bayad ang aming buwis. Nanggaling sa SEC na aprubado sa kanila ang pag-issue ng mga PDR. Ang Department of Justice ang nagsabi na hindi labag sa prangkisa ang KBO.
“Ang DOLE naman ay nagsabi na sumunod kami sa lahat ng compliance orders nila. Wala po kaming nilabag na batas. Pero inaamin namin na hindi kami isang perpektong organisasyon. May mga kakulangan din po kami. At handa naming ayusin ang mga ito,” dagdag niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.