Hamon ng mga SHOWBIZ WRITERS kay JINGGOY: Dapat pati silang mga POLITIKO meron din!


MERON daw inihaing panukalang batas si Sen. Jinggoy Estrada to professionalize our line of work. Kailangan daw sa mga journalists ay pakuhanin ng  exam para mabigyan ng accreditation to perform.

Kung sino lang daw ang may accreditation cards ay sila lang ang dapat mabigyan ng access to interview and to write. Dapat nga raw sana ay Journalism graduates ang mga ito para mas legitimate sa kanilang trabaho.

Natural, tinamaan kami in a way kasi nga hindi kami Journalism graduates though meron naman kaming ilang units sa course na ito when we were in college.

Lalo na sa aming hanay na very basic lang naman ang kailangan to be able to write a column – sa entertainment kasi ay iba – pare-pareho ang panuntunang sinusunod namin ayon sa batas na nagku-cover nito para makaiwas sa kasong libelo and what nots.

Marami rin naman sa  aming hanay ang tapos ng kolehiyo, some are Journalism grads talaga pero karamihan ay hindi. Parang sa politics din naman iyan, kung talagang makikipag-debate si Sen. Jinggoy sa amin on this merits.

Puwede rin naman kaming magpasulong ng batas para sa mga pulitiko kung iyon ang gagawin nating ehemplo.  Baka ang unang tamaan ay ang mga magulang niya lalo na ang kanilang amang si Mayor Joseph Estrada ng Manila.

Dapat sa kanila ay public administration graduates or if not nakakuha ng kursong abogasiya or political science. Hindi ba’t mismong galing na rin sa bibig ng ama niyang dating pangulo na hindi ito nakapagtapos ng kolehiyo pero mapalad nga lang na naluklok sa pulitika dahil sa malawak na kaalaman sa propesyong pinasok?

May mga tao lang talagang gifted on some areas though hindi naman nila ito napag-aralan academically. I’m sure Sen. Jinggoy is aware of this, too.

Mapalad lang siya dahil nakapagtapos siya – unang-una, he is very blessed to have a rich family na nakapagtustos sa kaniyang pag-aaral. May maganda silang kabuhayan dala ng tinamong tagumpay ng kaniyang mga magulang.

It’s easy for Sen. Jinggoy to just file any law na pumasok sa kukote niya.  Pero this time ay kami na ang pinatatamaan niya, hindi man kami personally pero ang aming hanay na.

Is he fighting the press on this? Kami okay lang pero siya, he needs good press lalo pa’t he’s running for a higher position in the next years. Huwag niyang sisihin ang press kung lumayo ang loob ng mga ito sa kaniya sa mga susunod na taon.

“Dala na ba ito ng pagkadawit ng pangalan niya sa P10-billion scam ng mga Napoles? Kasi ang press ang tumitira sa kanila, di ba? Malinaw sa isyung sangkot na sangkot talaga siya sa pork barrel scam na ito kaya ang media ang gusto niyang balikan?

That’s very tyranical naman of him, ha.  “Dapat ay bigyan din ng crash course ang mga pulitikong tulad niya sa tamang paggamit ng pera ng bayan at ilang units sa pagpapaalala sa kanila na huwag magnakaw sa kaban ng bayan.

Huwag siyang masyadong magmalinis at magmatali-talinuhan because he’s not really brilliant tulad ng ibang nasa hanay niya. Cool ka lang, Sen. Jinggoy.

“Kayo nga itong mga pulitikong kaniya-kaniya ng iwas sa isyu on that huge scam dahil halos lahat sa inyo ay dawit. Kaya bago mo silipin ang mga muta namin ay mga muta niyo muna ang linisin ninyo, OK?” ang galit na galit na reaksiyon ng isang kaibigang journalist.

Kami sa broadcast media ay obligadong kumuha ng KBP exams every three years para sa accreditation namin as anchors sa radio. Sa awa ng Diyos ay naipapasa naman namin ito, Sen. Jinggoy.

Sa pagsusulat naman, para rin kaming tatay mo – kahit hindi formal graduates ng journalism, me konting gift din naman kami to compose an article or write a daily column.

Sa awa ng Panginoon, Sen. Jinggoy, hindi naman kami masyadong nai-edit because we know naman kahit paano ang tamang spelling and syntax and most of all, we know when and when not to offend.

Kayo nga itong walang pakialam kung nakaka-offend eh. Karamihan nga sa inyo ay puro wento lang kahit walang wenta. Kaya niyo bang aminin sa amin na kaya lang kayo pumasok sa politics because of three major privileges – fame, money and power?

Yung pagiging public servant niyo, nasaan?  Dapat nga riyan, dahil nabuksan na rin lang ang isyu ng P10-billion na iyon kung saan kasama ang name mo sa list of senators na nakinabang diumano, dapat ay masusi ninyo itong pinaiimbestigahan. Kaya lang, kayo mismo, sa hanay ninyo, you don’t want to lift so much fingers. Bakit?

( Photo credit to Google )

Read more...