Naaresto sina Lelit Dajao, 44; Chellomae Pescura, 33; Junalyn Matura, 32; at Humprey Cenabre, 34, sa unang operasyon sa Tagbilaran City, ayon sa ulat ng Central Visayas regional police.
Isinagawa ng Regional Drug Enforcement Unit, iba pang unit ng pulisya, at Philippine Drug Enforcement Agency ang buy-bust sa Sitio Antipolo, Brgy. Dampas, dakong alas-5:45 ng hapon.
Dinampot ang mga suspek nang magbenta ng tatlong sachet na may aabot sa 15 gramo ng umano’y shabu, at nakuhaan pa ng dalawang paket ng Chinese tea na may humigit-kumulang 2 kilo ng droga.
Tinatayang nasa P13.702 milyon ang halaga ng shabu na nasamsam sa apat.
Kasunod nito, naaresto naman si Jaime Dajao, 44, sa operasyon sa Purok 2, Brgy. Tanghaligue, Talibon, alas-6:15.
Nakuhaan siya ng apat na pakete ng Chinese tea, na may aabot sa 4 kilo o P27.2 milyon halaga ng umano’y shabu.
Nasa kostudiya na ng Bohol PNP ang mga suspek para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law. (John Roson)
– end –