Bahay bumagsak sa estero; bagets todas

PATAY ang 13-anyos na batang babae habang sugatan ang tatlong iba pa nang bumagsak ang kanilang tinitirahang bahay na nasa gilid ng estero sa Brgy. Obrero, Quezon City.

Sa pahayag ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, pumanaw bata habang kritikal ang kondisyon sa East Avenue Medical Center ng dalawa pang bata at kanilang lola.

Tiniyak naman ng QC LGU na pagkakalooban ng tulong Ang mga naapektuhan kabilang na ang pagsagot sa burial at hospital expenses.

Inatasan din ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), Department of Building Official (DBO) at ang Housing and Community Development and Resettlement Department (HCDRD) na imbestigahan ang insidente.

Nais din nilang malaman ang imbentaryo ng mga pamilyang naninirahan sa gilid ng mga estero.

Ayon sa ulat, ang pamilya ng mga biktima ay kabilang sa 47 pamilya na inirekomenda ng QC LGU sa National Housing Authority na mai-relocate.

Read more...