Maintenance fee sa housing ng Navotas waive hanggang Hunyo

HINDI pagbabayaran ng lokal na pamahalaan ng Navotas ng P300 buwanang maintenance fee ang mga umuupa sa kanilang housing projects.

Sa isang post sa social media, sinabi ng Navotas City na waive ang pagbabayad hanggang sa Hunyo.

Inaprubahan ng lokal na pamahalaan ang Coty Ordinance 2020-29 bilang tulong umano sa mga residente na naapektuhan ng coronavirus disease 2019.

Ang mga hindi pinagbabayad ng maintenance fee ay ang NavotaAs Residences sa Brgy. San Roque at NavotaAs Homes 1 at 2 sa Brgy. Tanza 2.

Hindi rin pagbabayarin ng upa ang mga stall sa NavoKabuhayan at tatlong multi-purpose hall sa NavotaAs Homes 1 at 2.

Read more...