Big time oil price hike ulit bukas

Oil

MAGPAPATUPAD ng taas presyo ang mga kompanya ng langis sa bansa, ang ikatlong malaking pagtataas ngayong buwan.

Tataas ng P1.75 kada litro ang presyo ng gasolina, P2.10 kada litro ng diesel at P2.65 sa kada litro ng kerosene.

Ang pagtataas ay inanunsyo ng Shell, Caltex, Petro Gazz, SeaOil at Phoenix Petroleum.

Hindi pa kasama sa pagtataas na ito ang dagdag na 10 porsyentong buwis na ipinataw ng Malacañang sa ilalim ng Executive Order 113.

Noong Mayo 19 ay nagpatupad ang mga kompanya ng langis ang pagtaas na P1.25 kada litro ng gasolina, P0.55 kada litro ng diesel, at P2.35 kada litro ng kerosene.

Nagtaas din ng presyo noong Mayo 12, P2 kada litro ng gasoline, P1.90 kada litro ng diesel at P1.25 kada litro ng kerosene.

Read more...