ARESTADO ang 57-anyos na lalaki sa iligal na sabungan sa Quezon City kahapon.
Si Moises Bombita, 57, ng Brgy. UP Campus, ay nakuhanan umano ng dalawang panabong at tare.
Isang concerned citizen umano ang tumawag sa pulisya kaugnay ng tupada sa Stud Farm Block 2 Brgy. UP Campus alas-4:30 ng hapon.
Nagtakbuhan umano ang mga nagsasabong ng makita ang mga pulis at ang nahuli lamang ng mga ito ay si Bombita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending