Mo Twister nag-propose na kay DJ Angelicopter: I’m crying na naman…

MAKALIPAS ang mahigit limang taon nilang relasyon, sa wakas nag-propose na si DJ Mo Twister sa kanyang partern na si Angelika Schmeing o mas kilala bilang DJ Angelicopter.

Nangyari ang marriage proposal sa mismong podcast ni DJ Mo na “Good Times With Mo” kung saan kinuntsaba pa niya ang kanilang producer para maisagawa ang kanyang plano.

Reaksyon ni Angelika nang ma-realize na nagpo-propose na pala sa kanya ang boyfriend, “Nakakainis ka, I knew it.

“Of course, babe you know that naman, I’m crying na naman,” ang sagot pa niya kay DJ Mo.

Nag-post din siya sa Instagram ng litrato ni Angelika habang naka-on air sa kanilang podcast kung saan kitang-kita ang suot nitong engagement ring.

“She woke up like this. Early morning GTWM Podcast episode with the rock of our family, the prized jewel of my heart, the beauty with the diamond eyes @angelicopter on GTWM Season 7 Episode 45, out on Spotify now. #puns,” ang caption na inilagay ni DJ Mo.

Sa limang taong pagsasama nina Mo at Angelika, biniyayaan sila ng isang anak ng babae, si Amsterdam. May isa pang anak si Angelika sa una niyang partner, si Lucas.

Bumuhos naman ang pagbati sa social media para newly-engaged couple. Wala pang ibinigay na detalye si Mo tungkol sa kasal nila ni Angelika.

Read more...