KUMPIYANSA ang Department of Public Works and Highways na matatapos ang rehabilitasyon ng 18.97 kilometrong Marawi Transcentral Road sa Lanao Del Sur.
Ayon sa DPWH matatapos ang kalsada sa Disyembre kahit pa natigil ng dalawang buwan ang paggawa rito dahil sa mga hakbang na isinagawa para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019.
Bumalik ang paggawa sa kalsada noong Mayo 4. Ito ay bahagi ng stage 1 ng reconstruction and development plan ng Greater Marawi.
Pinondohan ito sa ilalim ng P970 milyong grant mula sa Government of Japan sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).
Ang package 1A ay 24 porsyento na umanong tapos.
MOST READ
LATEST STORIES