Amok pumatay ng 3 saka nag-suicide

DAHIL sa sobrang pagkaaburido ay pinatay ng lalaki ang kanyang asawa, ina at may-ari ng bahay kung saan sila tumutuloy saka nagpakamatay sa Laoac, Pangasinan kahapon.

Natagpuan ng pulisya ang apat na bangkay sa bahay sa Brgy. Banuar, ayon sa ulat.

Rumesponde ang mga alagad ng batas makaraang magsumbong ang dalawang kapitbahay na nakasaksi sa pangyayari.

Sugatan din ang dalawa matapos salakayin ng suspek.

Hawak pa ng suspek, na wala na ring buhay nang datnan ng mga pulis, ang patalim na ginamit sa pagpatay.

Ayon sa ulat, nakarinig ng mga sigaw ang mga kapitbahay mula sa tinutuluyang bahay ng suspek Sabado ng gabi kaya sumugod sila rito.

Napag-alaman nila na bigla na lamang nagwala ang suspek at pinagsasaksak ang mga biktima.

Naniniwala ang mga pulis na nawala sa sarili ang suspek dahil ilang buwan na itong walang trabaho at nakikitira na lamang.

Read more...