BAGUHANG artista pa lang ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla ay nakaranas na siya ng pambu-bully mula sa netizens.
No wonder hindi na siya masyadong affected ngayon sa mga haters and knows na niya how to handle the bashers.
Sa fundraising online event para sa mga manggagawa sa showbiz industry, ang #ExtendTheLove Actor’s Cue, na in-organize ng award-winning director na si Adolf Alix, Jr., ikinuwento ni Daniel ang unang experience niya nang ma-bash nang todo.
Tinanong ni Direk Adolf si Daniel at ang dalawa pang Kapamilya stars na guest din sa #ExtendTheLove last Friday night, sina Joshua Garcia at Zanjoe Marudo, kung kailan sila nagseryoso sa kanilang pagiging artista and realized that acting is a craft.
“Siguro nu’ng napasok ako doon sa ‘Growing Up’ na kasama ko si Kathryn (Bernardo). Una kasi, siyempre makaka-partner ko siya. Eh, di ba mahusay talagang artista yun? Bata pa artista na at nakapag-‘Mara Clara’ na siya noon,” pahayag ni Daniel.
Pagpasok daw ng “Growing Up” ang dami na raw artista ang makasali sa show. Isa na riyan si Albie Casiño na partner ni Kathryn sa show.
“First time ko makita ang mga basher dahil galit na galit sila sa akin. Dahil ang original na loveteam ni Kathryn noon si Albie. Sabay, next show, ako na yung kasama. So, alam mo yon? Inaano ako ng mga tao,” kwento ni Daniel.
Doon daw niya naisip na kailangan galingan niya, “Kailangang patunayan sa kanila na worthy ako na ipinalit para kay Kathryn. And ako rin, nahihiya ako sobra kina Kathryn. Ayokong pumalpak dahil ako yung baguhan. Nandoon na siguro na maiintindihan nila. Pero nasa akin din yung extra effort para husayan ko.”
Natanong din sina Daniel kung ano sa tingin nila ang challenge sa generation nila ng kasalukuyang panahon.
“Siguro ano yung ano ngayon, pumasok na tayo sa digital, di ba? Iba na talaga dito sa generation natin ngayon. Ngayon pwede ka nang sumikat na hindi kailangan ng tulong ng iba, e. You just need the internet, di ba?” ani DJ.
Yun daw ang malaking difference ngayon sa dati, “Dahil dati di ba, lumang artista yung meron silang sinehan, di ba? Sine at sa pelikuka. Pero doon mas malalaman ang talagang superstar. Kasi wala namang mga cellphone noon.
“Hindi ba lahat pelikula lang at hindi nila gaano nakikita. Pero grabe ang supporters ng mga ito, alam mo yun? Iba rin yun, eh. Parang ang legit ng mga artista noon at hindi mo basta nakikita ang mga artista. Kapag nakakita ka noon, eh, parang bingo yun!” lahad ng aktor.
Pero ngayon daw na nasa digital world na, iba-ibang style na. Ang dami ng platforms na pwedeng gamitin para magpasikat at sumikat.