SMC tuloy ang pamimili ng lokal na mais

Corn

BINILI ng San Miguel Corp. ang 69 milyong kilo ng mais mula sa mga lokal na magsasaka.

Ayon kay SMC president and COO Ramon Ang ginawa ito ng kanilang kompanyang San Miguel Foods Inc. (SMFI) bilang tulong na rin sa mga lokal na magsasaka na hindi nakakapagbenta ng kanilang ani dahil sa quarantine.

Mula noong Marso ay bumaba ang bilihan ng mais sa P19.20 kada kilo kapag wholesale at P28/kilo kapag retail.

Ang biniling mais ng SMFI ay gagamitin sa paggawa ng animal feeds.

Sa tulong ng Department of Agriculture ay bumili ang SMFI ng 92,000 kilo ng mais mula sa farmers-cooperatives sa Central Luzon at Pangasinan.

Bibilhin din nito ang 150,000 kilo ng mais mula sa Camarines Sur at 100,000 kilo mula sa Maymatan Farmers Multi-Purpose Cooperative.

Nakikipag-ugnayan umano ang SMFI sa mga magsasaka sa iba’t ibang rehiyon.

Bumibili rin ang SMC ng bigas, kamote at niyog.

Nagbebenta na rin ng gulay ang Petron gas station sa Metro Manila mula sa Kadiwa program ng DA.

Read more...