outbrain

5 kulong sa droga

By Leifbilly Begas May 23,2020
share this

5 kulong sa droga

By Leifbilly Begas May 23,2020
share this

KALABOSO ang lima katao na nahuli sa magkakahiwalay na operasyon ng Quezon City Police District.

Nasakote ng Talipapa Police sina Cassandra Garol, 22, at Ricardo Pineda Jr., 33, alas-11:30 kagabi sa Bonifacio st. Veterans Village, Area 1A, Brgy. Pasong Tamo.

Hinuli umano sila ng mga pulis dahil walang suot na facemask. Nang kapkapan ay nakuha umano sa kanila ang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800.

Nahuli naman ng Anonas Police si Rodel Cruz, 41, alas-10:30 kagabi sa Brgy. Pansol. Hinuli umano si Cruz dahil sa paglabag sa curfew. Nang kapkapan ay nakuha umano rito ang dalawang sachet ng shabu.

Naaresto namna ang Kamuning Police sa buy-bust operation sina Gilbert Comia, 29, at Reynaldo Cervitillo, 44, alas-7:45 ng gabi sa tapat ng isang restaurant sa Kamias Rd., Brgy. Pinyahan.

Nakumpiska umano sa kanila ang P13,600 halaga ng shabu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending