outbrain

2 arestado sa P400K shabu

By Leifbilly Begas May 23,2020
share this

2 arestado sa P400K shabu

By Leifbilly Begas May 23,2020
share this

Arrested

ARESTADO ang dalawang lalaki at isang menor de edad na babae na nahulihan umano ng P408,000 halaga ng shabu sa Quezon City kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Pablito Asorez, 41, residente ng Brgy. Bahay Toro, Mohager Tomama, 21, ng Bagong Silang, Caloocan City at ang 17-anyos na babae.

Isang buy-bust operation ang inilungsad ng pulisya laban sa mga suspek alas-4:30 ng hapon sa parking lot ng SM Mall Novaliches sa Quirino Highway, Brgy. San Bartolome Nova.

Nakabili umano ng P10,000 halaga ng shabu ang isang poseur buyer.

Nang maaresto ay nakuha umano sa kanila ang 60 gramo ng shabu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending