outbrain

Resbak ni Pokwang sa dating kapitbahay na kontra-ABS-CBN: Inggit yan! My God! 

By Ervin Santiago May 23,2020
share this

Resbak ni Pokwang sa dating kapitbahay na kontra-ABS-CBN: Inggit yan! My God! 

By Ervin Santiago May 23,2020
share this

GALIT na galit si Pokwang sa dati nilang kapitbahay nang magkomento itong hindi na dapat bigyan ng bagong prangkisa ang  ABS-CBN at dapat lang daw na ipasara ang network.

Isa ang komedyana sa mga Kapamilya stars na nanawagan sa madlang pipol na mag-sign sa online petition para maipagpatuloy ng ABS-CBN ang operasyon nito sa pamamagitan ng Facebook.

Na-bad trip si Pokey sa binitiwang salita ng dating kapitbahay at sinabing inggit lang ang ugat nito.

“Kahapon nag-post ako dito sa FB ng petisyon para ibalik ang ABS-CBN sa ere at nai-share naman ng mga kamag-anak ko, kaibigan at mga kapatid, salamat sa inyo…

“Na-bother lang ako sa isang nag-comment sa post ng sister ko at ang sabi niya ay, ‘Wag na ibalik ‘yan, isara nayan!’

“Ay! Syempre, naloka ako at tiningnan ko kung sino siya? What?? Si Mang… (name withheld)?? di ako makapaniwala!!!” simulang pahayag ni Pokwang sa kanyang Facebook post.

Pagpapatuloy pa niya, “Kapit-bahay namin sya sa Hinulugang Taktak from 1980 pa hanggang ngayon, kasi, meron pa kaming bahay doon.”

Ayon sa komedyana, alam ng kapitbahay nila noon sa Antipolo kung gaano kahirap ang kanilang buhay noon, “Hindi lingid sa inyo ang buhay ko noong bata pa kami.

“Tapos ngayon, gumanda ang buhay ko dahil di ko naman kasalanan na pinagpala ako ni God at sinagot mga dasal ko habang nagtitinda ako sa simbahan ng Antipolo araw-araw sa Mahal na Birhen at talent ko, at ABS-CBN ang naging sagot sa dasal ko!

“Umangat kami, gumanda ang buhay, nakaalis kami sa lugar na di ko pinangarap doon lumaki at magkaisip ang mga anak ko dahil hindi magandang ehemplo ang mga makikita nila — inuman sa umaga, kumpulan para magsiraan sa kapit bahay, awayan sa araw at gabi at mga drug addict at mga manyakis na kapit bahay!

“So, NGAYON, GUSTO MO MAIPASARA ANG ABS-CBN KASI DI NYO MATANGGAP NA YUNG DATI PINAGMAMARAMUTAN NYO NG TUBIG E NAKAKAPAG MINERAL WATER NA NGAYON?????

“MALINAW NA MALINAW NA ISA SA DAHILAN NA NAIS NYONG MAIPASARA ANG NETWORK DAHIL SA INGGIT!!

“OO INGGIT!!! ISA SA PINAKAMASAMANG UGALI AT KASALANAN SA DIOS!! MY GOD!!!” matapang pang pahayag ni Pokey.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending