outbrain

KC Concepcion negative sa COVID; planong lumabas para bumili ng wine 

By Ervin Santiago May 23,2020
share this

KC Concepcion negative sa COVID; planong lumabas para bumili ng wine 

By Ervin Santiago May 23,2020
share this

NEGATIVE sa COVID-19 ang singer-actress na si KC Concepcion.

Sumailalim sa rapid test ang dalaga at masaya nga niyang ibinalita sa kanyang social media followers ang resulta nito. 

Ipinost ni KC sa Instagram Stories ang COVID-19 test result niya at aniya, effective ang pananatili niya sa bahay sa loob nang ilang linggo at pagsunod sa quarantine protocol.

Unang ibinahagi ni KC ay ang litrato ng kaibigan niyang nurse na magsasagawa ng rapid test sa kanya. Aniya, hindi siya sanay na makita itong nakasuot ng complete personal protective equipment.

“Ready for my rapid test with Nurse Camille. Not used to seeing her in full PPE. Sign of the times @theaiveeclinic,” aniya sa caption.

“Maybe next week I’ll start going to the shops to pick up wine and food,” pahayag pa ng dalaga sa kanyang IG post.

Mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa bansa nitong Marso dahil sa coronavirus pandemic, hindi na lumabas ng bahay ang anak ni Megastar Sharon Cuneta.

Solong naka-stay at home si KC, ang kasama lang niya ay ang mga alaga niyang aso.

Kamakailan, nag-post si KC sa Instagram ng throwback photo niya sa ibang bansa kung saan siya nanirahan ng ilang taon bilang estudyante.

“I feel like I’m back there now, thrown into something new, something unfamiliar, something different… and succeeding in the situations you find yourself in… as we all learn so much more about how to do LIFE in these bewildering times.

“How to do things, how to feel things, how to stay disciplined, how to manage your emotions, how to empathize, how to support yourself, not getting it right all the time, but staying the course and picking yourself back up again. 

“Not knowing what the next thing is gonna be, but going with the flow and just doing it. I’m back to the everydayness of life where there are ups and downs, scary times and then finding pleasure all around,” caption ng aktres sa kanyang litrato kasama ang pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending