outbrain

Kris super enjoy sa pagligo sa probinsya; nagpabili ng pink na tabo

By Ervin Santiago May 23,2020
share this

Kris super enjoy sa pagligo sa probinsya; nagpabili ng pink na tabo

By Ervin Santiago May 23,2020
share this

KRIS AQUINO

ENJOY na enjoy si Kris Aquino sa buhay promdi, lalo sa mga simpleng bonding moments nila ng kanyang dalawang anak.

Nasa isang resort pa rin sa Puerto Galera ang TV host-actress kasama sina Joshua at Bimby at mananatili sila roon hanggang ipinatutupad ang lockdown sa Metro Manila.

 

Pero kahit na dalawang buwan na silang naninirahan sa Puerto Galera, na-eenjoy pa rin ng mag-iina ang simpleng pamumuhay nila roon.

Ayon kay Kris, napakalayo man sa nakasanayan nilang buhay sa Manila ang nararanasan nila ngayon sa nasabing resort, masaya at makabuluhan pa rin ang nararanasan nilang lockdown life sa probinsya.

“Marami akong na-appreciate sa buhay probinsiya, like ang sarap ng pandesal na binibili sa umaga. Malambot & fluffy.

“Puwede kang pumitas ng calamansi & sili sa garden,” pahayag ni Tetay.

Feel na feel din ng mommy nina Josh at Bimb ang paraan ng pagligo sa probinsya gamit ang binili niyang pink na tabo.

“Super refreshing maligo (3x a day) na nag-ipon ng medyo malamig na tubig sa orocan na drum tapos gamit yung pink na tabo na mga pinabili ko…sarap na sarap ako sa Lily’s Crunchy peanut butter,” chika pa ng TV host 

Tungkol naman sa dalawa niyang anak, super happy daw ng mga ito kapag nakakakain ng fried chicken mula sa isang sikat na food chain.

“Sina Kuya & Bimb on the days na may nakakapunta ng Calapan  & nauwian sila ng chicken joy sobrang thrilled sila,” ani Kris.

Kuwento pa ni Tetay tungkol sa bagong recipe na natuklasan niya, “Ang sarap pala ng liempo na pinakuluan sa Royal with garlic, paminta, and sea salt tapos iniihaw.

“Ang [saging] saba masarap pag papuntang over ripe na tapos dun gagawing banana-que pero ako konti lang yung sugar,” sey pa ni Kris.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending