outbrain

Nagbibisikletang frontliner nasagasaan ng armored van

May 23,2020
share this

Nagbibisikletang frontliner nasagasaan ng armored van

May 23,2020
share this

NASUGATAN ang kawani ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City makaraang masagasaan ng armored van sa Edsa, Makati kanina bago magtanghali.

Hindi kinilala ang biktima, na isang babae, na nagtamo ng mga sugat at bali sa katawan.

Naganap ang insidente alas-11:23 ng umaga sa southbound lane ng Edsa sa Magallanes.

Ayon sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority, pauwi mula sa kanyang duty sa ospital ang biktima nang mabangga at masagasaan ng armored van.

Ang biktima, 39, ay residente ng Pasay City.

Agad namang naitakbo sa pagamutan ang biktima habang dinakip ang driver ng nakasagasang sasakyan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending