outbrain

Alessandra 6 show ang tinanggihan last year: Ang pangit ng mga mensahe

By Ervin Santiago May 23,2020
share this

Alessandra 6 show ang tinanggihan last year: Ang pangit ng mga mensahe

By Ervin Santiago May 23,2020
share this

“ANG pangit ng mga mensahe!”

Ito ang ipinagdiinan ng award-winning actress na si Alessandra de Rossi kung bakit tinanggihan niyang gawin ang ilang proyektong inalok sa kanya.

Ayon kay Alex, may anim na show siyang inayawan last year dahil hindi niya gusto ang tema at mensaheng nais nitong iparating sa manonood.

Sa kanyang Twitter account, ito ang ipinost ni Alessandra, “Yes. 6 shows tinanggihan ko last year and 3 films dahil ang pangit ng mga mensahe.

“Eto, lockdown! Sana pala ginawa ko na lang para may pera ako, di naman pala mapapalabas,” aniya pa.

Dagdag pa ng nakababatang kapatid ni Assunta de Rossi, noon pa raw naman ay mapili na siya sa mga ginagawa niyang teleserye at pelikula. 

Talagang pinag-aaralan niya ang bawat script na ibinibigay sa kanya at inaalam kung ano ang mensaheng nais nitong ipakita sa publiko.

Tweet pa ng dalaga, “I’m not visible dahil choosy ako. Tao first. If i don’t like the message, ‘wag na. Dami ko nang ganyan na role.”

                            * * *

Kasado na ngayong Linggo (May 24) ang pinakaaabangang virtual reunion ng cast ng well-loved family sitcom ng GMA na “Ismol Family.”

Ang much awaited grand online reunion na ito na #IsmolGathering ay mapapanood sa newest comedy channel na YouLOL. 

Siguradong matutuwa ang lahat ng naging loyal viewers ng programa dahil muling mapapanood na magkakasama ang cast sa pangunguna nina Majay (Carla Abellana) at Jingo Ismol (Ryan Agoncillo. 

Isa sa mga excited sa reunion na ito ay si Carla. Aniya, “Ang #IsmolFamily may virtual reunion sa Linggo! Tara na at join na kayo sa online gathering namin! Masaya ito, promise. #YouLOL #IsmolGathering.” 

Huwag palalampasin ang live chat ng cast ngayong Linggo sa comedy channel ng GMA na YouLOL.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending