outbrain

3 wanted arestado

By Leifbilly Begas May 23,2020
share this

3 wanted arestado

By Leifbilly Begas May 23,2020
share this

Jail

ARESTADO ang tatlong lalaki na wanted umano sa magkakahiwalay na kaso sa Quezon City.

Nahuli ng La Loma Police si Jonathan Novela, 24, residente ng Brgy. Tatalon, alas-2 noong Huwebes sa kanto ng Banawe at Cuenco sts. Sa Brgy. Lourdes. Siya ay wanted sa kasong attempted homicide.

Masambong Police naman ang umaresto kay Joel Pugao, 39, alas-1 ng hapon sa Alhambra st., Brgy. Damayan. Siya ay nahaharap sa kasong simple disobedience to agents of person in authority.

Si Ricky Sagario, 46, ng Brgy. Bahay Toro, ay naaresto naman ng Talipapa Police alas-8 ng gabi noong Huwebes sa Road 23, Brgy. Bahay Toro. Siya ay nahaharap sa kasong unjust vexation.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending