DOBLE-kayod ngayon ang mga recruiter na makakuha ng may 3,000 manggagawa na dadalhin sa Taiwan matapos muling ibukas ng bansa ang pinto nito sa mga Pinoy workers.
Ayon kay Angelo Tong, Pangulo ng Pilipino Manpower Agencies Accredited to Taiwan, kailangan ng Taiwan ang 3,000 manggagawa para sa mga electronic factories na hindi kumuha ng mga worker mula sa ibang bansa, at nag-hintay lamang sa mga Pinoy na kilala na sa pagi-ging highly-skilled.
Una nang naglabas ng order ang gobyerno ng Taiwan na huwag kumuha ng mga manggagawang Pinoy bilang protesta sa ginawang pagbaril at pagpatay sa isang Taiwanese fisherman noong Mayo.
Ang freeze hiring ay ini-lift noong isang linggo, mtapos humingi ng paumanhin ang Pilipinas sa nangyaring insidente at kasuhan ang walong miyembro ng Philippine Coast Guard.
Inilabas naman kahapon ng Tiawan sa pamamagitan ng kanilang tanggapan dito sa Maynila, ang guidelines para sa mga Pinoy na nais magtrabaho sa kanilang bansa.
3,000 trabaho sa Taiwan naghihintay sa mga Pinoy
READ NEXT
Erap for president sa 2016
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...