(Ikalawa at huling bahagi)
BAKIT nga ba naman hindi iiyakan ni Eagle Riggs ang pagkawala niya sa ABS-CBN?
Mula 1988 hanggang 1999 ay roon siya nabigyan ng sari-saring trabaho sa TV production, both off- and on-cam.
Kinailangan nga lang niyang humanap ng ibang masisilungan noong walang programang maibigay sa kanya.
Classified as “network talent” ang tulad ni Eagle, malayo sa karaniwang empleyado na may mga regular na benepisyong natatanggap mula sa kumpanya. May kita ka lang kapag may show ka.
But the more shows you take on, mas malaki ang maiuuwi mo.
At tulad ng bawat isa sa atin ay may pamilya ring binubuhay si Eagle, may mga taong umaasa sa kanya.
Kung kawalan ng bagong show ang dahilan ng pag-alis ni Eagle sa ABS-CBN, mas masaklap ang exit niya sa nilipatang GMA. Reasons unknown to him, basta na lang daw tinermineyt ang kanyang serbisyo.
Bagama’t magkaiba ang sitwasyon, Eagle considers both exits punctuated with bitter goodbyes. Pero isa lang ang napagtanto niya: hindi habambuhay ay may trabaho tayo, himself included.
Napaghandaan na rin naman ni Eagle ang eventuality na ito. Sa katunayan, freelancer man siya ngayon ay network affiliation lang ang nabago sa kanyang resume.
Dahil minsan isang panahon ay naging bahagi siya ng Kapamilya network ay naitanong namin kung ano ang kanyang masasabi sa pagpapasara (albeit temporary) sa dating tahanan.
Aniya, may nakikita siyang mas malalim na dahilan sa likod ng shutdown, but he wouldn’t specify kung ano ‘yon.
Pero kung sinuman daw ang may utak nito, sana’y isipin daw nito ang kapakanan ng mas nakararami, hindi ang personal na interes lang.
Mensahe rin sa mga dating kasamahan, huwag bumitiw sa pag-asang babalik din sa normal ang lahat. Ganoon naman daw talaga ang ikot ng mundo.
Walang permanente. Ang mahalaga, dapat may paghahanda ka.
Sa maraming bagay kami nakaka-relate kay Eagle. Having lived a life sa mundo ng telebisyon ay wala itong inilayo sa maraming trabaho.
You just have to prepare yourself for the worst. Aniya pa, “Everything happens for a reason.”
Wala ring iniwan ang mundo ng TV sa buhay mayroon ang mga namumuno sa bansa. Pana-panahon din ang pamumuno kung paanong nagbabago rin ang panlasa at pangangailangan ng mga taong nakatutok sa iyong bawat galaw.
Ultimately, ang literal na bibigyan mo na lang ng kahulugan at kabuluhan ay kung ano ang magandang idinulot nito sa iyo bilang tao.