3 huli sa P204K shabu

KALABOSO ang tatlong lalaki na nahulihan umano ng P204,000 halaga ng shabu sa Quezon City kagabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Lester Co, 33, ng Fairwoods Subd., Imus Cavite; Neil Ronald Cabido, 33, at Jeule Climacosa, 29, mga residente ng Brgy. Sauyo, Novaliches.

Nagsagawa ng buybust operation ang pulisya alas-10:45 ng gabi sa Don Vicente st., Brgy. Sauyo Novaliches.

Nasamsam umano sa mga suspek ang 30 gramo ng shabu na nakalagay sa pitong sachet.

Read more...