Arnell sinampahan ng 3 kaso si Mystica: Hindi mo pwedeng mura-murahin si Presidente

 

KINASUHAN ng TV host-actor na si Arnell Ignacio ang singer-comedienne na si Mystica dahil sa pambabastos at panglalait nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaninang umaga, personal na nagtungo si Arnell sa Imus City Prosecutor’s Office sa Cavite para pormal na magsampa ng demanda laban sa tinaguriang Split Queen.

Ayon sa veteran comedian, nalaman niyang taga-General Trias, Cavite, si Mystica kaya sa Imus City siya nagsampa ng mga kaso laban dito.

Tatlong kaso ang isinampal ni Arnell kay Mystica, ang inciting to sedition, cyberlibel at violation ng Bayanihan To Heal As One Act na ipinatutupad ngayong panahon ng health crisis sa bansa.

Paliwanag ni Arnell, ibinase niya ang mga kaso laban kay Mystica sa mga video na ipinost nito sa social media kung saan binabatikos nito at minumura ang Pangulo.

May sinabi pa umano ito na walang karapatang maging Presidente si Duterte kasabay ng paghikayat kay Vice-President Leni Robredo na palitan na sa pwesto ang Pangulo.

Narito ang post ni Arnell sa kanyang Facebook page tungkol sa kanyang pagdedemanda: “Kapag seryoso ang issue e file na ako ng case. Hindi talakan lang sa FB.

“Hindi mo puede mura-murahin si presidente nang ganun-ganun lang at aatungal ka pagkatapos.

“Mas malala, nagyaya ka pa na pabagsakin ang gobyerno imbis na tumulong ka na lang.

“Yung pagmumura mo naman e parang PERSONAL ang kasalanan sa iyo, e.

“Kahit man lang sana sa edad nung tao e binigay mo na kahit katiting na paggalang.”

Read more...