Birthday boy Sinas binusalan

Sinas

ISINIWALAT ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Major Gen. Debold Sinas na inutusan siyang huwag na munang magkomento ukol sa kanyang kontrobersyal na “mañanita” habang iniimbestigahan pa ito.

“Gi-nag na po ako ni Chief PNP (Philippine National Police chief Gen. Archie Gamboa) to refrain from commenting anymore kasi nandun na ongoing na and investigation is ongoing,” ani Sinas sa panayam ng  Unang Hirit nang tanungin ukol sa kanyang sagot sa imbestigasyon ng  National Bureau of Investigation kaugnay sa birthday party niya noong Mayo 8 na lumabag umano sa mga quarantine protocols.

Matatandaang sinampahan ng mga kasong kriminal at administratibo si Sinas at 18 niyang tauhan ng PNP Internal Affairs Service dahil sa paglabag sa  health protocols nang ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa loob ng National Capital Region Police Office Headquarters sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. –Inquirer

Read more...