NALUNOD ang 1-taong gulang na lalaki sa platic drum na may lamang tubig, sa bayan ng Benito Soliven, Isabela, kaninang umaga, ayon sa pulisya.
Dinala pa ang sanggol sa Rural Health Unit, pero idineklarang dead on arrival ng doktor, ayon sa ulat ng Isabela provincial police.
Naganap ang insidente sa bahay ng pamilya ng sanggol, dakong alas-8:50.
Lumabas sa imbestigasyon na bago ito ay umalis ang ina ng sanggol para magtrabaho sa bukid, at iniwan siya sa kanyang 6-anyos na ate.
Paliliguan sana ng 6-anyos ang nakababatang kapatid at umiigib para dito, pero pagbalik niya sa loob ng banyo ay natagpuan ang huli na nalunod na sa drum, ayon sa ulat.
Humingi ng saklolo ang batang babae sa mga kapitbahay, na siyang nagdala sa kanyang kapatid sa RHU, ayon sa pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.