Solon nanawagan ng ceasefire sa word war ng Palace adviser at PMA

COVID testing center

UMAPELA si ACT-CIS Rep. Niña Taduran na magkaisa para epektibong malabanan ang coronavirus disease 2019.

“Let’s get our acts together. This is not the time to be bickering. I understand that everyone is on edge, but irresponsible remarks will not lead us to the solution to this Covid-19 problem,” ani Taduran.

Ginawa ni Taduran ang pahayag matapos sabihin ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion na: “Ang problema nitong mga doctor, salita nang salita, wala namang ginagawa; complain nang complain. Ang mangyayari dito, magsasarado ulit ekonomiya ng Pilipinas, maraming mawawalan ng trabaho”.

Inimbitahan naman ng Philippine Medical Association si Concepcion upang makita nito ang kanilang ginagawa. “We invite the good gentleman to a guided tour of the medical facilities, especially CoVid-19 referral hospitals, ‘para makita niya ang ginagawa ng mga doctors at frontliners.”

Sinabi ni Taduran na mahalaga na maghinay-hinay sa mga gagawing hakbang upang maiwasan ang pagkakamali dahil buhay ng mga Filipino ang nakasalalay dito.

“We need to get the economy back on its feet again but we can’t rush it. Let’s listen to the health experts because they know more about this unseen enemy. From there, adjust our actions in reviving the economy,” payo ni Taduran.

Iginiit naman ng lady solon ang kahalagahan na sumailalim sa COVID-19 test ang mga empleyado.

“I am in favor of testing employees but rapid testing should be judiciously used. One can have the antibody but not an active Covid-19 carrier. So, mas mainam talaga ang targeted instead of mass testing ng empleyado. Maiiwasan din ang stigma kung magfo-false positive ang empleyado dahil may antibody siya, pero hindi naman pala active Covid-19 carrier.”

Read more...