Angel ‘pinatawad’ ang may pakana ng P200M death threat…pero nagbanta 

MASWERTE pa rin ang isang netizen na nagbanta sa buhay nina Angel Locsin, Kim Chiu, at Coco Martin.

Patatawarin daw muna ito ni Angel sa ngayon at ipagdarasal dahil sa hirap ng buhay na dinaranas ng mga Filipino dulot ng COVID-19 pandemic.

Ito’y matapos ngang magbigay ng pahayag ang National Bureau of Investigation tungkol death threat sa mga Kapamilya stars na talagang ipinost pa ng netizen sa Instagram.

Handa raw itong magbigay ng P200 million sa sinumang makakapatay kina Angel, Kim at Coco kasabay din ng pagbabanta laban sa ABS-CBN. 

Mismong si Angel ang nag-repost sa kanyang IG account ng screenshot ng nasabing death threat na may caption na, “Hello, NBI? Beke nemen po.”

Pinayuhan naman ng NBI ang sina Angel na pormal na mag-report sa kanilang tanggapan kung nararamdaman nilang seryoso ang pagtatangka sa kanilang buhay.

“The NBI takes seriously any threats made to any person.

“If Angel Locsin and other artists receive threats of physical harm or other means sent thru the social media and they feel these threats are serious, they have all the right to seek the assistance of the NBI so their concerns can be appropriately addressed,” ayon sa NBI.

Agad namang sumagot si Angel sa panawagan ng NBI at sinabing wala siyang planong kasunan ang mga taong gusto siyang ipapatay kapalit ang malaking reward money. Pero may warning din siya sa mga ito.

“Thank you NBI for reaching out. For now, ipag-pray ko muna tong mga taong to.

“Ayoko silang pahirapan pa sa hirap ng buhay ngayon sa kung anong pwede kong ikaso sa kanila. Pag umulit, hindi ko sila aatrasan,” pahayag ng aktres.

Samantala, sa isa namang tweet ng nasabing netizen, inalok nito ang supporters ng Presidential Daughter na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte ng P300 million reward.

Anito, bibigyan niya ng P300 million ang sinumang makakapatay kina Kim Chiu, Kathryn Bernardo at ABS-CBN President-CEO Carlo Katigbak.

Read more...