7 huli sa drug raid

KALABOSO ang pito katao sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City.

Naaresto ng Talipapa Police sina Arturo Racan, 40, at Francisco Zacarias, 36, alas-9 ng gabi sa Tawid Sapa 2, Brgy. Kaligayahan. Narekober umano sa kanila ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000.

Sa hiwalay na operasyon ng Talipapa Police ay nahuli naman sina Ronato Lim, 51, Rodel Paulino, 43, at Jomel Lumbania, 30.

Narekober umano sa mga suspek ang pitong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P32,500 alas-9:50 ng gabi sa Mahabang Layon Ext. Congressional Ave., Brgy. Bahay Toro.

Nasakote naman ng Kamuning Police si Alecx Ceasar De Jesus, 26, alas-6:10 ng gabi sa Roces Ave., Brgy. Obrero. Nabawi umano sa kanya ang walong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P54,400.

Nahuli naman ng Galas Police si Armando Espiritu, 35, alas- 7:30 ng gabi sa Batanes st., Brgy. San Isidro Galas. Narekober umano sa kanya ang P6,800 halaga ng shabu.

Read more...