Dating tanod pinatay

NASAWI ang isang dating barangay tanod na pinagbabaril kagabi sa Quezon City.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Arsenio Guzmzn Jr., construction worker, at ng Brgy. Holy Spirit.

Matutulog na umano ang biktima at kanyang asawa nang pasukin ng mga suspek alas-9:30 ng gabi.

Dalawang lalaki umano ang pumasok at pinababa ang biktima at isa naman ang naiwan sa ibaba at nagsilbing lookout.

Umalis ang mga suspek matapos barilin ang biktima. Ligtas naman ang kayang misis at anak.

Inaalam pa ang motibo sa pagpatay.

Read more...