Konsehal arestado sa masaker

INARESTO ang konsehal ng Amulung, Cagayan makaraan siyang iturong pumatay sa apat na car dealers sa bayan ng Piat.

Dinakip si Councilor Joey Bargado, miyembro ng Sangguniang Bayan ng Pacac Grande, Amulung, kasama ang isa pang suspek na si Jojo Vergara, construction worker.

Sila ang nasa likod umano ng pagpatay kina Michael Eugine Romero ng Bago Bantay, Quezon City; Christian Kaibigan ng Lipa City, Batangas; Joel Bolado ng Lipa City, Batangas din, at Rommuel Quinan ng East Rembo, Makati City.

Ani Col. Ariel Quilang, Cagayan provincial police director, natagpuan ang bangkay ng apat sa loob ng Honda City alas-4:45 ng umaga kahapon.

Nasakote naman ang mga suspek sa isang warehouse sa Pacac Grande alas-11:30 kinagabihan.

Sinisiyasat na ng mga imbestigador kung may kinalaman sa nakaw na sasakyan si Bargado.

Read more...