Sylvia handa na sa bagong misyon; Rhea Tan iniyakan ang Atayde couple 

NANINIWALA ang award-winning actress na may mga misyon pa siya sa mundo kaya biniyayaan pa siya ng second life matapos magtagumpay sa paglaban sa COVID-19.

Ngayon mas na-appreciate niya ang bawat minutong kasama ang kanyang asawang si Art Atayde at ang kanilang mga anak. Sa panahong ito, talagang napakahalaga ng pagmamahal at suporta ng pamilya.

“No matter what, pamilya talaga ang kakapitan mo sa mga panahong tulad nito. Sa mga nangyari ngayon sa mundo, kailangan ang pagmamahalan, pagtutulungan at pagkakaintindihan,” pahayag ni Ibyang.

Very proud din siya sa kanyang mga anak na nagpakita rin ng katatagan at katapangan habang nakikipaglaban sila ng asawa sa nakamamatay na virus. 

Sa kabila ng mga pinagdaanang matinding pagsubok, bukod sa kanyang paggaling mula sa killer virus, napakarami pang dapat ipagpasalamat ni Sylvia. 

Isa na nga riyan ang patuloy na pagmamahal at suporta sa kanya pati na sa kanyang pamilya ng matagumpay na businesswoman na si Rhea Anicoche Tan, ang Presidente at CEO ng Beautéderm. 

Sa pagdiriwang ng Beautéderm sa renewal of contract ni Sylvia bilang isa sa mga top celebrity ambassadors, ni-launch din ang bagong line of all-natural products ng nabanggit na brand.

Si Sanchez, bilang unang ambassador ng Beautéderm na ni-launch on a national scale, ay ang Face of Beautéderm – isang titulo na para sa kanya talaga dahil patuloy niyang kinakatawan ang brand na pinagkakatiwalaan dahil sa pagiging epektibo ng mga produkto. 

Mahalaga rin ang contract renewal na ito dahil nga sa paggaling ni Sylvia at ni Art sa COVID-19. 

Ani Ibyang, “It was a dark moment in my life. Pero may nakita akong liwanag sa end ng tunnel. I know that great things are in store for me at may misyon pa ako sa buhay.” At handa na raw siyang harapin ang mga bago niyang misyon.

Pahayag naman ni Rhea Tan, “Para ko na siyang ate. Umiyak ako nu’ng nag-postive sila ni Kuya Art and I, along with the entire Beautéderm family are overjoyed they survived. Ideal brand ambassador si Ate Sylvia as she does her responsibilities with all her heart.” 

Ayon naman sa premyadong aktres,  hindi lang business ang relasyon niya kay Rhea, “Proud ako bilang endorser niya along with my fellow ambassadors. Buo kami bilang pamilya. Rei Rei’s good heart and generosity inspires me dahil ang dami niyang tinutulungan lalo na ngayon.”

Upang sagutin ang demand ng natural beauty movement na nagde-define ng multi-billion beauty industry, inilunsad ng Beautéderm ang Beauté L’ Tous, Beauté L’ Cheveux at Beauté L’ Elixir Skin Set – na lahat ay pawang FDA Notified.               

“Isang taon kaming nagtrabaho sa pag-develop ng aming new products. We use only the most powerful ingredients to produce quality results exceeding the effectiveness of synthetic mainstream products,” pagmamalaki ni Rhea.

Ang Beauté L’ Tous ay isang natural whitening hand and body lotion habang natural hair oil naman ang Beauté L’ Cheveux. Ang Beauté L’ Elixir naman ay isang all-natural skin set with acne buster properties made with nature’s best ingredients.

“I’m mindful of the products I use and this all-natural line is helping me with the healthy living I’m now advocating,” kuwento pa ni Ibyang na bahagi ngayon ng online talk show na Pamilya Kuwentuhan, kasama ang cast ng Pamilya Ko na mapapanood tuwing Lunes, 5 p.m. Miyerkules, at Biyernes sa mga digital platforms ng ABS-CBN.  

Sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm Corporation sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube. 

Read more...