NAGPALABAS ang Quezon City ng guidelines para sa mga tao na maaari nang magtrabaho sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine.
Sa ilalim ng guidelines ng lungsod, hindi na kailangang kumuha ng travel pass kung ang papasuking trabaho ay nasa Quezon City. Kailangan lamang ipakita ang company ID o ang Barangay Quarantine Pass.
Ang mga delivery courier o cargo services ay hindi rin kailangang kumuha ng travel pass.
Hindi na rin kailangang kumuha ng pass o certificate ng kompanyang magbubukas na basta kabilang ito sa pinapayagang negosyo.
Hindi rin kailangang kumuha ng travel pass ng mga taong may Authorized Person Outside Residence ID.
Ang kailangang kumuha ng travel pass ay ang mga aalis ng QC para pumasok sa trabaho sa ibang lugar.
Maaari umanong mag-apply ng travel pass sa travelpass@quezoncity.gov.ph. Kasama ang dokumento na magpapatunay nang pangangailangan na lumabas ito ng QC.