Sex dolls ginamit bilang ‘audience’ sa football match

NAPUNO ang stadium ng mga ‘fans’ ng FC Seoul, isang Korean football club pero hindi sila tunay na tao kundi mga sex dolls.

Na-shock ang maraming tao nang malaman na ang ilan sa mga ‘audience’ na makikitang may hawak na mga placards at nakasuot pa ng team t-shirt sa ginanap na football match ng FC Seoul at Gwangju FC ay mga sex toys pala.

Dahil dito pinatawan ng multa na 100 million won o tinatayang nasa P4,000,000 ng K-League officials ang football club sa pamamahiya umano sa mga babaeng fans.

Paliwanag naman ng FC Seoul, hindi nila alam na mga sex dolls pala ang mga manikang ginamit nila.

Ayon sa mga report, isang di pa kilalang distributer ang lumapit sa K-League na nag-offer na lalagyan nila ng kanilang produkto ang mga stands dahil sa kawalan ng tao at sila ay nirefer sa FC Seoul.

Pinapaimbestigahan na ang insidente sa mga pulis.

May mga gumagamit ng mga cardboard cut-outs o mga malalaking placards para mapunan ang mga bleachers na walang laman pero hindi natuwa ang mga fans sa paglalagay ng mga sex dolls.

 

Read more...