DOH asar-talo: Kailan natapos ang 1st wave, nakaidlip lang 2nd wave na? | Bandera

DOH asar-talo: Kailan natapos ang 1st wave, nakaidlip lang 2nd wave na?

Ervin Santiago |May 21,2020
facebook
share this

DOH asar-talo: Kailan natapos ang 1st wave, nakaidlip lang 2nd wave na?

Ervin Santiago - May 21, 2020 - 01:44 PM

 

#SHOOKT at talagang napanganga nang bonggang-bongga ang madlang pipol sa balitang nasa second wave na pala ang pagkalat ng COVID-19 killer virus sa Pilipinas!

 

Ito ang ibinalita ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III sa naganap na Senate hearing kahapon na talagang ikinagimbal ng publiko.

Kaya naman inulan ng batikos ang DOH dahil parang niloloko nila ang publiko sa kanilang mga inilalabas na health bulletin tungkol sa totoong kalagayan ng bansa sa gitna ng pandemya.

Ilan sa mga local celebrities ang nagpahayag ng pagkadismaya at pagkakabaha nang malamang nasa second wave na ang COVID-19 transmission sa Pilipinas. Sa pagkakaalam daw kasi nila, bumubuti na ang lagay ng bansa at unti-unti nang napa-flatten ang curve — hindi pala.

Nababahalang comment ni Sharon Cuneta, “Oh dear Lord in heaven, please protect us. God bless the Philippines!”

Sey naman ni Janine Gutierrez, “Did you even stop the first wave though sis?” Tawa naman nang tawa ang mga followers ng aktres sa pagtawag niya kay Duque ng “sis.”

Hirit ni Alessandra de Rossi, “Huh? Why? Impossible! Choz! Ano man yung pinaglalaban sa ngayon, buhay muna natin at ng mga mahal natin. Stay at home if possible.”

Comment ni Frankie Pangilinan, “Second wave na daw advance mag isip eh.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagtatakang pahayag naman ni K Brosas, “Ha?? Kelan pa po natapos yung 1st wave?? Naka idlip lang ako 2nd wave na pala?”

Ayon naman kay Ai Ai delas Alas, “Ang masasabi ko na lang ay…tsk…tsk…tsk. SO HELP US GOD. Kayo na po ang bahala sa amen.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending