NIYANIG ng magnitude 4.3 lindol ang Davao Occidental kagabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-9:56 ng gabi.
Ang epicenter ng lindol ay pitong kilometro sa silangan ng bayan ng Malita. May lalim itong 174 kilometro.
Nagdulot ito ng Intensity III sa General Santos City.
Ang mga instrumento ng Phivolcs ay nakapagtala naman ng:
Intensity III – General Santos City; at Malungon, Sarangani
Intensity II – Alabel, Sarangani
Intensity I – Tupi, South Cotabato
MOST READ
LATEST STORIES