HINDI uurong ang koponan ng Blackwater Elite sa hamon ng Covid-19.
Bagamat nananatiling buhay at nasa tabi tabi lang ang di nakikitang peste ay handa ang Blackwater na magpakita ng husay upang makatulong sa pagpapahilom ng malalim na sugat na dala ng coronavirus.
Ito ay sa pamamagitan ng paglalaro at isa nga sa mga ideyang nais ni Blackwater owner at Ever Bilena chief executive officer Dioceldo Sy ay pag-aralan ng PBA ang posibilidad ng pagkakaroon ng closed-door games na kung saan ay tatalima sa mga protocol na inilatag ng Inter Agency Task Force kontra Covid-19.
Bakit nga naman hindi suriin ng pamunuan ng liga ang “wisdom” ng suhestiyon ni Sy na umani ng paghanga noong siya ang chairman ng dating Philippine Basketball League (PBL). Siya rin po ang Godfather ng Philippine women’s basketball at sa kainitan ng global health emergency ay ipinakita niya sa kanyang mga kawani ang kanyang kagandahang loob.
Hindi rin naman siguro masama kung hihingi ng payo ang PBA sa mga kinauukulan kung ano ang puwedeng gawin upang makabalik sa paglalaro ang liga,
Korek si Sy sa pagsasabing numero unong nagbibigay aliw ang PBA sa sambayanang Pinoy na sa panahon ngayon ay lalong kinakailangan,
Uhaw na uhaw sa PBA action ang mga miron. Sabik na silang muling mapanood ang kanilang mga idolo. Bagamat hindi pa normal ang sitwasyon ngayon, mabuting pag-aralan ng liga kung ano ang pwedeng gawin upang maibsan ang pagkauhaw ng publiko sa basketball action.
Dahil sa kanyang hangarin na magpasaya hindi lang sa mga kababayan kundi maging sa mga nakatira sa iba’t-ibang panig ng mundo, siniguro ni Sy na ready to do battle ang Blackwater sa ligang Terrific 12 o East Asia Super League na naka-iskedyul ngayong Setyembre sa Macau.
Kasabay ng pagtitiyak ni Sy sa paglahok ay ang paninindigan na hindi makalimutan ang mga health protocol upang maiwasan ang Covid-19.
Malay natin, bago dumating ang Setyembre ay may natuklasan nang epektibong vaccine laban sa Covid-19.
Hindi pa malinaw kung kailan ang muling pagbubukas ng PBA.
Sa kasalukuyan ay maaaring abutin pa ng Agosto o Setyembre bago magkaroon ng linaw kung kailan babalik ang PBA.
Nababagalan dito si Sy.
Ganunpaman, tiniyak ni Sy na hindi magiging sagabal ang muling pagsali ng Blackwater sa Terrific 12 sa patuloy na pakikipagsapalaran ng Elite sa PBA.
Isa lang naman ang nasa isip ni Sy sa ngayon. Ito ay ang tumulong sa mabilis na pagbabalik ng normal na buhay ng ating mga kababayan.
Asics patok na patok
Hindi na bago sa ating pandinig ang Asics.
Nitong nakaraang Southeat Asian Games ay krusyal ang naging papel ng Asics sa matagumpay na kampanya ng bansa, Tatak Asics kasi ang ginamit ng mga Pilipinong atleta na sapatos, uniporme, at atbp sa kanilang pakikipagsabayan sa ating mga kapitbahay sa Southeast Asia.
Kaya masasabi kong patok ang Asics.
Ngunit hindi lang pang-isports kundi malaki rin ang naitulong ng Asics sa paglaban kontra pandemic.
Narito ang dahilan kung bakit.
* * * * *
For a frontliner, every step forward is another life saved.
To jumpstart the Healthcare Week with St. Lukes, we celebrate a full force of unsung heroes risking their lives to help the world heal – our frontliners. As they venture out everyday into the field with uncertainty, they may feel like the whole world is on their shoulders, but they also need to know that the whole world has their back.
To return the care that our frontliners have tirelessly extended towards us, Asics took this opportunity to show support for them by partnering with St. Luke’s Medical Center in Global City. Care shoes were distributed to the Emergency Room staff and doctors. These Care shoes are lightweight sneakers with neutral cushioning. They help provide the comfort needed for the thousands of steps our healthcare workers take to save thousands of lives.
The recipients were all smiles as they read the inspiring message, unboxed their Care shoes and quickly put them on, ready for duty.
Asics will continue their efforts by partnering with hospitals to provide their staff and doctors with their own pairs of Care shoes, to ensure that our frontliners will never go out of style.
Together, we will keep taking steps forward and #PassYourSmile.