National Academy of Sports System niratipika ng Kamara

NIRATIPIKA ng Kamara de Representantes ang panukalang National Academy of Sports System na inaasahang tututok sa athletic potential ng mga estudyanteng Filipino.

Ang House bill 6312 at Senate Bill 1086 ay ipadadala na sa Malacanang upang pirmahan ni Pangulong Duterte at maging isang batas.

“Sports helps to bring positive transformation in the community. The people and the community can learn so much from sports as it instills values of discipline, teamwork, dedication, patriotism, passion, sportsmanship and sacrifice. But more importantly, it is a potent tool to prevent young children from getting addicted to illegal drugs,” ani Speaker Alan Peter Cayetano, may-akda ng House bill 6312.

Sa ilalim ng NAS System ang mga estudyante sa high school na may potensyal na lumakas sa larangan ng sports ay isasailalim sa special sports curriculum.

Gagamitin sa programa ang New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac na lalagyan ng mga sports facilities, housing at iba pang amenities batay sa international standards.

Nagbibigay mga estudyante na papasa ang kuwalipikasyon ay bibigyan ng scholarships, stipends, at allowances alinsunod sa NAS System.

Read more...