Liza umamin: Being an artista is really hard, idya-judge ka talaga! 

LIZA SOBERANO

PINASOK ni Liza Soberano ang mundo ng showbiz para tuparin ang kanyang ultimate dream mula pa noong bata siya.

Yan ay ang magkasama-sama sila ng kanyang pamilya sa isang tahanan, lalo na ng kanyang mga kapatid.

Aniya, ito ang naging motivation niya sa pagtitiyaga at pagpupursigi para makapasok sa showbiz sa murang edad.  

Sa pakikipagkuwentuhan ng Kapamilya actress kay Fr. Tito Caluag sa nakaraang episode ng  “Journeys of Hope”, talagang nag-eenjoy siya kapag kasama ang mga kapatid, kahit na noong nasa Amerika pa siya at nakatira sa kanyang lolo at lola.

“I grew up with my grandparents. Eventually I was also adopted by them so by law, they are my real parents. 

“For that reason, I wasn’t able to grow up with the rest of my siblings on my mom’s side,” simulang pahayag ni Liza.

Aniya pa, “But I was fortunate enough that my grandparents always allowed me to visit them during summer and during Christmas break.”

“I got close to them. Ever since I was young, I always enjoyed having a lot of siblings. I knew that I always wanted us to be all together or to be complete,” patuloy pa ng girlfriend ni Enrique Gil.

Umuwi ng Pilipinas si Liza noong 10 years old pa lang siya kasama ang kanyang lolo at lola. Ang tanging dahilan lang ng pagpunta nila sa bansa ay para dalawin ang kanyang tatay na umalis sa US noong isang taon pa lang siya.

Dito nga niya nalaman ang tunay na buhay at kundisyon ng kanyang ama. Hanggang sa magdesisyon nga siyang pasukin ang pag-aartista at pagmomodelo.

“I saw that as an opportunity to be able to help. Help my dad, help my siblings. My motivation ever since then has been to complete all of my siblings under one roof,” pahayag ng dalaga.

Inamin ng dalaga kay Fr. Caluag na hindi rin naging madali sa kanya ang pag-abot sa mga pangarap niya sa buhay. Marami siyang isinakripisyo at ipinaglaban pero ang talagang naging inspirasyon niya para lumaban ay ang pinakamamahal niyang pamilya.

“Being an artista is really hard. You face judgment from a lot of people that you don’t necessarily know and you get criticized for doing something that you hope will inspire or make other people happy. 

“It’s not easy but my motivation has driven me to work extra hard and to not give up because I know that there are people that count on me,” lahad ni Liza.

Read more...