Kim: Natumba ka na, tinapak-tapakan ka pa…pero bumangon! 

Kim Chiu

HINDI napigilan ni Kim Chiu ang mapaluha nang makilala at makausap ang netizen na tumulong sa kanyang makabangon agad mula sa pambubugbog ng mga bashers.

Ang tinutukoy ni Kim ay si Adrian Crisanto, ang Facebook user na nag-post ng mahabang open letter na para ipakita sa aktres kung paano gagawing positibo at kapaki-pakinabang ang pambu-bully sa kanya.

Sa kanyang huling vlog, nakasama ni Kim si Adrian at talagang todo ang pasalamat niya rito dahil napadali ang pagmu-move on niya at in fairness, pinagkakakitaan pa niya ngayon sa YouTube ang kantang “Bawal Lumabas” na produkto ng makasaysayan niyang “classroom rules” statement.

“You’re such an angel! Thank you for picking me up at my lowest,” mensahe ni Kim kay Adrian.

Ito naman ang nasabi ni Adrian sa aktres, “You don’t have to be a fan of someone to respect that person. It was my intention to encourage you. I wanted you to know na kahit hindi tayo magkakilala in person, I respect you for who you are.

“Do not be discouraged because there are people who look beyond the mistakes and can really find something beautiful,” aniya.

Pagpapatuloy pa niya, “We have to decide to be kind. ‘Yung oras na gugugulin mo sa pag-post ng masasamang words, take it as a time to step back and isipin mo, ‘Tama ba ‘tong gagawin ko? Makakasakit ba ‘to sa isang tao?’ Pass. Huwag mo nang gawin. Just be kind.”

Sagot naman ni Kim, “Pinagdasal ko sa Panginoon. Paano ako tatayo? Natumba ka na, tinapak-tapakan ka na. Dahil doon (open letter), nabuhayan talaga ako ng loob.”  

Isa nga sa mga suggestion ni Adrian ay i-record ni Kim ang “remix” ng  “Bawal Lumabas” para magsilbing inspirasyon sa lahat ng biktima ng online bullying. 

Pahayag ni Adrian sa kanyang open letter, “Record the song! Andaming naglipanang covers at remixes.  But we’re still waiting for you to own it. You have Star Music. You have the best producers there. Release it on Spotify, iTunes. Radyo. YouTube. Gawa ka ng music video. Get millions of views.

“At dahil practically ikaw ang nagsulat nyan, you can earn royalties as a songwriter. IT WILL BE A HIT.

“Do a TikTok dance challenge. Wala akong TikTok, so I don’t know exactly how it works. Pero based on the videos I’ve seen, pasok na pasok ‘to. Ask people to post their dance videos with the official hashtag. It could be a worldwide phenomenon.

“Launch a #BawalLumabas Pero Pwedeng Magpasikat online talent show. Invite them to post song covers, dance covers, dramatic reading, etc. using the words from your infamous statement. 

“Use it as a fundraiser. People can vote for their favorite #BawalLumabas rendition. The winner gets a cash prize and the rest of the money for those #BawalLumabasParaMagtrabaho.”

Sa ngayon, milyun-milyong views na ang nakuha ng “Bawal Lumabas” sa YouTube ni Kim tulad ng sinabi ng “angel” ni Kim.

Read more...