NAGSAGAWA ng operasyon ang mga ahensya ng gobyerno laban sa lumalabag sa batas-trapiko.
Anim na kolorum ang nahuli ng mga tauhan ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) sa Bacoor City at mga karatig na lugar.
Sa anim na nahuli, lima ang private vans na iligal na nag-ooperate umano bilang shuttle service ng mga kompanya. Walang naipakitang Contract of Lease sa pagitan ng kompanya at may-ari ng sasakyan alinsunod sa panuntunan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Isang pampasaherong jeepney rin ang nahuli. Nirentahan umano ito ng mga non-essential workers nang walang special permit mula sa LTFRB. Lumabag din umano sa social distancing protocol sa sasakyan.
Ang anim na sasakyan ay dinala sa impounding area ng LTFRB sa Lipa City, Batangas.