Bwelta ng netizens kay Mocha: Ikaw ang sumisira kay Digong dahil sa kapalpakan mo

HINDI binili ng netizens ang “it’s an honest mistake” drama ni OWWA Deputy Administrator Mocha Uson.

Inanyayahan ng  National Bureau of Investigation si Mocha na magpaliwanag sa “fake news” na kanyang ikinalat allegedly sa social media. 

Nag-post si Mocha sa kanyang Facebook account ng photo ng personal protective equipment (PPE). She credited the government na siyang nag-donate  ng   PPE when in fact ay donation pala ito ng  SM Foundation.

Nag-react ang netizens sa palusot ni Mocha sa NBI na “honest mistake” ang kanyang nagawa.  Ipinamukha pa ng netizens ang panglalait ni Mocha kay Vice President Leni Robredo sa isang video.

“Matagal naman kayo nagpost nang fake news. Sayang ang bayad ko sa tax na napunta lang sa govt employee na ang trabaho magkalat ng fake new. So sad, PH.”

“I don’t have any idea how much longer they would hold on to Mocha  just sad that only in the Philippines we might have the smart president DU30 but yet meron mga nasa administration na walang kwenta. Tapos nakuha ng sweldo kahit anung mangyari. I wish she would have a hard stop and get some diligence.”

“Lagi ka namang honest mistake. Ikaw sumisira sa Pangulo dahil sa kapalpakan mo.”

“Ilang honest mistakes ba ang pwede nya gawin para di na sya ma-appoint?”

“Kung makaBOBO ka kay VP Leni parang ang talino mo! Pero ikaw ang BOBO! Wala ka naman silbi sa lahat ng departamentong pinaglagyan sa iyo. SAYANG pasweldo sa iyo ng Taxpayers. Alam mo ba un!”

“Ngayon ka mag ngangawa ng pinagsasabi mo sa video ke VP Leni maka ilang ulit mo sinabihan ng bobo! at yung kabastusan nyo ni Drew Olivar, ngayon bumabalik lahat sa yo? ilang video mo lagi kang mali at palpak. karma yan sa yo madami pa yan!”

“Gantu lang yan eh! kapag wala kang alam at hindi ka sigurado sa ginagawa mo say i dont know?! or pag aralan mo munang mabuti! Ikaw mocha sa totoo wala kang alam sa trabaho mo kasi hindi mo mahal at hindi mo gusto ang ginagawa mo…ngayon kapag nag comply ka at sinunod mo ang batas at sinabi mo labas muna ako at mali ngah! taz pumasok ka. Ay!! pwede kana pala ulit umepal!!”

Read more...