SINIMULAN na ng Senado ang pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN.
Pinangunahan ng Senate committee on public services ang pagdinig sa pamumuno ni Sen. Sherwin Gatchalian, na siyang vice-chairman ng komite makaraang mag-inhibit si Sen. Grace Poe sa pagdinig.
Apat na panukalang batas ang inihain sa Senado na tatalakayin ng komite kabilang na rito ang Senate Bill Nos. 981 at 1521 na naglalayong bigyan ng 25 taong prangkisa ang ABS-CBN at ang pagbibigay ng provisional franchise sa network hanggang Hunyo 30,2022.
Inihain din ang Senate Bill Nos. 1374 at 1403 na nagpapalawig sa ABS-CBN franchise hanggang Disyembre 31, 2020.
Kabilang sa mga inimbitahan sa pagdinig ay mga opisyal ng ABS-CBN Corporation, National Telecommunications Commission (NTC), Department of Justice, (DOJ), Department of Information and Communications Technology (DICT), Office of the Solicitor General, na nauna nang nagharap ng petisyon sa Korte Suprema para ipawalang bisa ang prangkisa ng ABS-CBN.